
Lo Siento No Sé.
No pregunte más, para yo sabe no. Pero como mi philisopher favorito, Sócrates, yo estoy enterado de esto, y de busco constantemente para respuestas. Vivo por el principio de "la ironía de Sócrates", colgando alrededor de mirar simplemente y para jugar mudo dirigir los otros a darse cuenta de los desperfectos de su lógica. Y gozo cada minuto de ello.
Soy un espíritu errante, aquí tocar otras personas viven y entonces mueven en, de la misma manera que mi vida ha sido enriquecida por los otros que también movió finalmente en.
Cuando atravieso la vida del día al día, yo puedo sólo esperanza y ore que encontraré finalmente a más personas que permanecerán conmigo por la vida, las almas gemelas mandadas de los cielos a quien yo seré también una bendición.
¿Encontraré yo a mi última alma gemela? ¿Viviré yo felizmente desde entonces? Yo hago mi mejor, pero generalmente, mi respuesta a preguntas como éstos es… lo siento yo no sé.
okey until next time and take care always.
“Ornussa.”
Ako pala ang kinakausap. At dahil wala akong reaksyon, lumapit pa at inulit: “Ornussa.”
Ang pagkakaalam ko, Maritess o Matess pa rin ang pangalan ko. Minsan akong nanloko sa telepono pero Grace ang ginamit ko. Ornussa Cadness? Model ‘yun, ah. Wow, syet, nasa’n ang Borgy Manotoc ko?
Pinutol ng mamang barker ang pangangarap ko.
“Ano’ng tawag mo riyan sa dala mo?”
Kalalapag ko lang ng dala ko sa sahig ng jeep. Wala akong mapapayag na taxi, at hindi praktikal ang umarkila ng sasakyan o mang-istorbo ng ibang me sasakyan para lang dito. Parang ayaw gumana ng utak ko.
“Kahoy po.”
Nakatingin pa rin si manong, nakangiti pero hindi kuntento sa sagot ko.
“Mahahabang kahoy?”, hula ko.
“Ornussa ang tawag d’yan (Nice to meet you, Ornussa.). Paano ka nakabili kung hindi mo alam kung ano’ng tawag d’yan?”
“Itinuro ko lang po. Tapos ipinaputol ko sa kailangan kong haba.”
“Sais?”
Medyo namilog ang mga mata ko. My gulay, treinta ang bili ko sa bawat isa. Mukhang naisahan ako nang husto.
“Sais ka bumili?”, ginising na naman ako ni tatang.
“Treinta ho ang bili ko, eh.” Malungkot na ako.
“Sais ka bumili? D’yan, sa loob ng SM?”
“Ah, manong naman eh! Opo, sa Ace sa loob ng SM ako bumili.”
Tumangu-tango si tatang, at gumuhit sa mukha ang ngiting may bahid ng paghanga. Hindi sa akin o sa kakayahan kong bumili ng mahahabang kahoy, kundi sa Ace Hardware na nasa loob ng SM.
*****
Kung tutuusin, hindi na bago sa akin ang pagtataka ng mamang barker. Sa pamamalagi ko rito sa ibabaw ng mundo (oo, 31 taon na!), may ilang pagkakataon na ring gumawa ako ng mga bagay na hindi tugma sa inaasahan ng mga tao. Ngunit hindi naman nakababahala dahil ang mga ito ay mga simpleng bagay na naaayon rin naman sa mabuting pag-uugali (pwera na lang kung may kinaiinisan akong sobra-sobra) at pagkakakilala (o maaari ring paghahanap) ko sa aking sarili.
Ngayong 31 na ako at kasalukuyang walang asawa o kasintahan ay inaasahan kong marami pa akong makakausap na tulad ni tatang: magtataka, mag-uusyoso, magtatanong, manunukso, magmamagaling. Maaaring hindi ko rin masagot nang maayos ang mga katanungan at ako man ay maguluhan o malito rin. Ngunit di tulad sa mag-isang pagbili ng kahoy, ang aking pagiging single ay masasalamin sa marami pang mga kababaihang tulad ko (maging sa mga ka-batch ko – nandamay ba? hehe ) na naghahangad ngunit wala pang makitang Borgy Manotoc sa aming Ornussa Cadness, Brad Pitt sa aming Angelina Jolie, o sabihin na nating Tikboy sa aming Pokwang. Dumating man o hindi ang mga ito, kami ay nananatili pa rin namang buo ang pagkatao, may sariling pag-iisip at pagkilos, at makabuluhan ang pamumuhay sa mundo.
Sana, hindi lang sais humanga ang mga katulad ni tatang.